Panahon na naman ng kapaskuhan. Marami sa atin excited ng umuwi. Yung iba naglilista na ng mga pagbibigyan ng regalo. Nagkukwenta ng budget for the coming christmas. May mga nagdedecorate na ng christmas tree kahit november pa lang. Meron namang excited sa preparation para sa noche buena or any upcoming parties. May nagbibilang ng inaanak, iniisip kung sino ang possible na pedeng taguan. Iba ibang klase ng preparations. Iba ibang tao. Iba ibang pagiisip kung pano ise-celebrate yung christmas in a different way every year.
Pero meron ding mga tao na tuwing pasko dumodoble ang saya. Sa onting oras na may kahalong pagindak at pagkanta, ibang ligaya na ang makikita sa kanilang mga mata. Simpleng sanwits at mumurahing juice, maliwanag pa sa sikat ng araw ang kanilang mga ngiti na di mo mamalayan, mas doble o triple pa palang saya ang nabibigay sayo. Sila sina lolo't lola. Mga taong naghahanap din ng yakap at halik sa noo kahit minsan sa isang taon lang. Mga taong nagaabang sa pintuan kada sasapit ang araw ng kapaskuhan. Kalahating araw mo'y katumbas na isang taon nilang kaligayahan sa mga nalalabing panahon nila.
Ang sarap isipin na ang pasko ay hindi lamang cinecelebrate dahil isa to sa mga okasyon na kinamulatan mo na. Minsan may nagtanong sa king tsekwa "what's gud in celebrating christmas? Is it the gift giving thing?". Napangiti ako. Hindi lang naman kasi iyon lang ang reason eh. Yung feeling ng nagbibigay ka ng saya sa kapwa mo. Yung feeling na parang lahat ng tao sa paligid mo mahal na mahal mo. Na lahat sa kanila ang nakikita mo lang kabutihan. Lagi kang nakangiti ng hindi mo namamalayan na pag may ibang nakakita sayo, kahit sabihing para kang sira, napapaganda mo din ang araw nila.
Ilang araw na lang pasko na. May mga tao mang hindi makakapiling ang mga pamilya o mahal nila sa buhay, marami namang tao sa mundo na nagiintay non. Tulad nina lolo at lola. Minsan dalawin natin sila. =)