Saturday, April 16, 2005

Tagalog

*expressing gibberish sentiments is more vivid writing it in Tagalog, which by the way is my native dialect, than writing it in english. =)*

Trabaho. Daldalan sa jologz rum. Alt-tab. Dalawang bagay na mahirap pilit pinagsasabay habang tenga'y sinaksakan ng irpown ng mga kantang hindi mo malaman kung saan nanggaling. Ilang segundo mo pa lang papatugtugin, kahit nanalo ka pa ng swipstek, hihigupin nitong parang yakult ang kaligayahan mo kung meron man. Naranasan mo na ba yon? Yung minsan kahit wala kang problema bigla ka malulungkot dahil lang sa isang kantang napakinggan mo sa player mo o sa dyip o sa kung saan pa man? Lintek na kantang to, ala naman akong problema sa buhay (meron pala pero d ganon kalaki para humagulgol ako noh) pero parang ang bigat bigat sa kalooban. Sa isang araw na nakadiket pwetan ko s kinauupuan ko, ilang oras din yun, mga sandaang beses ko ata patugtugin mga kantang makabagbag damdamin. Teka ha iisa isahin ko. Think of Laura ni Kenny Loggins, Wag na Wag mong sasabihin ni Kitchie Nadal, Afraid for Love ni Lea Salonga, What Matters Most ni Kenny Rankin, saka Until I find you again ni Richard Marx. Sa loob ng 3 araw yan lang laman ng player ko. Wala ni isa mang nakakarelate sa buhay ko sa mga kantang yan sa ngayon, noon cguro pede pa. Ewan ko ba trip lang siguro? Siyeetttttt, kakaaning to pahreh. Mahilig naman ako sa alternatib myusik pero sadyang may mga panahon ata na sentimental ka lang. Sows. Think of Laura? Halllerrrr?!?!? Pampatay kaya yun! Kung ako buntis baka ginamit na ng anak kong lubed yung ambilical cord nya. Yun lang. *Bow*. Haayyy, cge makikinig pa ko. Ciao...