Monday, April 03, 2006

Abril

abril na.
panibagong buwan.
panibagong pahina na naman ng kalendaryong pipilasin ko.
narito pa rin ako.
nagiintay.
umaasang nawa'y mapansin mo sa kahit anong paraan.
lahat ng ingay ginawa ko na, narinig mo ba ako?
ikaw lang ang iniintay ko.
marami mang dumating, ikaw pa rin ang iintayin ko.
... dumating man ang disyembre, ikaw at ikaw pa rin.