Wednesday, July 18, 2007
When it rains, it pours
May mga oras na gusto mong tumakbo palayo sa mga bagay na nagbibigay ng bigat sa mundong ginagalawan mo pero hindi mo alam kung saan ka tutungo. May mga panahon na ang isa o dalawang suliraning nakalagay sa tig-isang balikat mo ay di pa sapat ang bigat at madadagdagan pa. May mga pagkakataong gusto mo ng sumuko pero ang pagsuko ay di kayang intindihin ng mga taong nakapaligid sayo. Ang pagiging mahina ang nakikita nila sa katauhan mo hindi ang mga sugat na pilit mong nilalabanan.
Haayyyyy, ang drama. Lord, bigyan mo pa ko ng lakas at tibay. :(
Labels:
musing