Tuesday, April 01, 2008

Pinoy Sunday - Interbyu wif da Star "John"

LOE: How did you know each other?
JOHN: Actually I met Ronald when I work at Nokia, unang kita ko pa lang sa kanya eh sabi ko na sa sarili ko... "Sya na nga" ika nga eh "Brother at first sight" hahaha.

LOE: How and when did you start planning this event?
JOHN: It started after my Rock n Shoot event na kahit papano eh naging successful with 650 guests. After a few months, the owner of The Arena started calling me and arranged a meeting about a plan to setup a Filipino event every Sunday. At first syempre natakot ako kasi ako na namang magisa eh, kinaya ko sa Rock n Shoot kahit less than 1 month preparation lang pero ung concept ng Pinoy Sunday is weekly. So nung una sabi ko mukang di ko kaya to, I need a partner na mapagkakatiwalaan at una ko talagang naisip eh si Bro Ronald. Nag text agad ako sa kanya and that day nakipag kita agad sya sa akin (ganyan nya ako kamahal) nyahahaha. From there sinabi ko ung plans and ung capital na kailangan and the rest is history....

LOE: Weren't you a little scared at first that this might turn out to be just one time event only?
JOHN: Oo naman !!! at first sabi ko sa sarili ko tumagal lang ng 1 month masaya na ko, but now we manage to survive ung crucial month and we are going stronger and stronger with lots of Filipino Group supporting us.

LOE: If yes, what inspires you to still go on?
JOHN: For me na-inspire ako to continue para magkaroon naman tyong mga Pinoy ng isang sosyal na lugar at event na pwede nating ipagmalaki na Pinoy and organizer, Pinoy and talents at Pinoy and crowds.

LOE: This event has drawn a lot of attention especially to those pinoys with really great talent and I've seen them singing their heart out or playing their instruments out there. Now the question is, this too will eventually attract some competition. What would be your stand on that?
JOHN: Nasa dugo na ng Pinoy yan eh, magaling tyong gumaya ng kahit na ano.. kung may karinderya sa kabilang kanto na ung pangalan eh "Luto ng Ina mo" na madaming tao lagi... for sure tatapatan yan ng isang karinderya na may pangalan na "Luto ng ina mo rin" na same ung putahe. Sa amin ok lang na may competition kasi at least may pag pipilian ung mga Pinoy, pero kung iisip natin sa sobrang liit ng Singapore bakit pa natin kailangan mag dalawang grupo ung pwede naman ung isa diba? kung pwede naman magtulungan at mag bigayan bakit kailangan pa na may competition?


LOE: I saw you both hosting along with Aslee, and looking at you three is like watching "punchline". You have that "funny" charisma in you. Do you have any plans of making this "Pinoy Sunday" event ala punchline style?
JOHN: Naku parang hindi mo ako kilala hehehe, natural na tlaga sa akin ung ganun at idol ko tlaga sina Tito, Vic and Joey hahahaha. Nasa plano na din namin yan, magkakaroon kame ng "Night of Laughter" ala punchline =)

LOE: Any "promising" additional things to our new event "Pinoy Sunday"?
JOHN: Naku sobrang dami, nakikita nyo naman every week may bago kaming pakulo so abangan na lang nila every week.

LOE: Tulad ng ibang interbyu kuno, any message for our kababayans out there?
JOHN: Continue to support and believe in Pinoy Sunday, ginawa po namin ito para sa mga Pinoy at para i-angat ang tingin ng ibang lahi at bansa sa atin na kaya nating magkaroon ng isang lugar at event na ganito.

LOE: Being the host of "Pinoy Sunday", I've heard you have gained a lot of "fans" out there. What's it like being in the spotlight?
JOHN: Isa line lang masasabi ko.. "Hi Fans" hahahaahaha

LOE: How hard can it be to host an all filipino event?
JOHN: Naku nung unang week namin nakatunganga tlaga ako sa stage, sabi ko kay Bro Ronald, "Bro hindi ako magsasalita ha? ikaw na bahala"... nung nagsasalita na sya bigla ba naman sinabing, "sa mga ibang detalye po eh sasabihin ni Bro John" ayun napasubo na ko !!! pero after that naisip ko na kailangan ko lang na maging ako, kya ko naisipan na kunin si Aslee kasi alam ko na kahit inaasar ko sya eh hindi yan pikon, kumbaga eh may nakita akong aasarin sa stage kaya naging at home na din ako =)

LOE: Some may want to know this question. So, are you still single, available or complicated?
JOHN: Sabi nga ni Aslee sa showbiz world dapat "open ka" hahahaha naku yare na naman ako pag nabasa ng commander-in-chief to !!!

LOE: If they want to be your friend, would you allow anyone and how? I mean just to avoid someone stalking you right? Any friendster, facebook, multiply or YM?
JOHN: Friendly naman kami then can always approach us, kahit labag sa loob ko pwede
din nila ako i-kiss kung gusto nila.. Ika nga eh "Trabaho lang walang personalan" (teka lalabas ba talaga to sa magazine? yare talaga ako hahaha)

LOE: Any message for host-wannabe's out there? Because you know how much courage it takes for others to do one hell of a job like the one you're doing now, so any pointers will be a great help :)
JOHN: Try nyo umakyat minsan at maki jam sa stage sa amin, open to hindi lang kami ung may karapatan sa stage... pero seriously, tama sila eh "be yourself is all that you can do", kasi pag lagi kang nag iisip kung ano ka dapat sa stage.. obvious na makikita ng tao na "pilit" eh.