31 years ago. Eto yung stage sa buhay ko na ang iniintindi kong sakit ay yung hindi ako pansinin ng kaibigan ko or yung feeling ko na ang pangit ko kasi yung crush ko may crush na iba. Eto yung panahon na nakahiligan ko magsuot ng mga itim at oversized na tshirts dahil sa mga panahong uso ang Metallica, Guns n Roses, Nirvana at kung ano ano pa.
Ikaw ang partly nag influence sa kin maging mahilig sa music. Hilig mo pa ng panahon na to yung mga Beatles, Engelbert Humperdinck at kung ano ano pa. Ikaw ang nagturo sa kin ng panonood ng mga english films kasi sabi mo natutulungan ka nitong palawakin yung english vocabulary mo. Dahil nga nagagamit mo to minsan pag kumakausap ng mga pasahero habang maneho ka ng taxi.
Dito ko natutunang tingnan lagi kung ano ba ang mga bago sa collection mo ng mga casette tapes mo. Dun ko nakita yung pangalan ng babae na wala sa aming lima. Yung ikot ng takbo ng buhay ng pamilya natin noon parang tulad ng mga panahon na susunduin mo kami sa gabi pag gagarahe ka na tapos hinto tayo sa Burger Machine para kumain tapos on the way pag may nakita kang pasahero bigla mo na kami mamadaliin iuwi para mabalikan yung pasahero kasi sayang yung kikitain mo. Di ako naniniwala sa regrets pero eto lang ata ang iniisip ko na kung sana di ako nangialam ng gamit mo baka sana.
Hindi ko na maalala yung mga nangyari after nun. Natatandaan ko na hinanap ka ng puso ko nung graduation ko ng HS kasi big achievement sa kin yun. Pero wag ka umiyak at malungkot kasi tapos na yun. Kaya ko lang naikwento kasi yung pakiramdam ko nun na makakakain na kami ng 3 beses sa isang araw ng di kumakapal ang mukha sa pangungutang sa tindahan, di pa pala haha. Pero tumatak sa isip ko yung panahon na magigising ako ng madaling araw at makikita ko si mommy na iyak ng iyak at nakatingin sa langit. I wasn't matured enough to understand pero ramdam ko yung sakit.
Nung panahon na naghahanap na kami ng school for college para sa kin, nakita ko yung strength ni Mommy na ipush makapagaral ako kahit hindi namin alam kung san kukunin ang pera pang tuition. Honestly, I don't know how she keeps on fighting kahit alam ko na alam nyang wala nga kami pera pang kain eh.
I got into Adamson kasi we applied for the Student Assistant. Kaya lang I need to pay for the first semester. Five thousand pesos. Wala na kami talaga malapitan. Lumapit kami kay Lola pero may kapalit. Yun atang anak ni Tito Orlan? My course was Computer Engineering. 5 years. I worked as student assistant, sa Chemistry Laboratory ako naassign of all places, hikain nga ako eh pero di ka pwede mag complain. 5 long years including summer. Sobrang thankful kami ni mommy pero sobra sya naghigpit sa kin. Kelangan ko kasi mag maintain ng grades para d maalis yung scholarship so naiintindihan ko naman. Pero the 16 year old me was longing for friends and outings and new stuff especially pag beginning of school year. I can’t afford to have the luxury of having friends kasi medyo yamanin mga tao sa adamson noon. The people I got close with are the people who works as Student Asssistant too.
On my 2nd year, si mommy push pa rin na nakapag debut ako sa bahay. You were there sa labas but Im not sure you remember. But I remember being happy kasi andun ka. All those 5 years studying is a struggle. I'm inside my own bubble not remembering the times na naglaro ba ako with my sisters. All I know is my goal to not have a failing grade, my scholarship and to finish my college so I could work and help mommy with my sisters. There are fragments in my memory kung saan si Apple (Pangalawa) kelangang mamasukan bilang katulong tapos si Kendi (Pangatlo) nasa bulacan para dun mag highschool.
Yung panahon na di na kami mapautang sa tindahan kasi puno n yung listahan. Yung panahon na kami lang sa buong alejos ang walang kuryente dahil d nakabayad. Yung panahon na bente pesos lang baon ko para pamasahe sa school, ang lunch ko kanin ang sabaw is maggie noodles. Sushal di ba? Uutangin namin yun sa isang teacher na nagtitinda dun sa Chem Lab 2 noodles, 7 kami maghahati, dadamihan namin sabaw, tapos magsasaing ng madami. Mga panahon na kelangan ko ng gamit sa school like tsquare pero walang pambili syempre pero alam mo yung kwento ko kanina na laging may ipapadalang tulong para makausad ka bawat araw. Meron ding kwento wherein magpapaligaw ako sa bahay at nakakatuwa naman na may lagi silang dala na pagkain. So another raos for the day din yun hehe.
Kinukwento ko lahat to sayo hindi para isumbat kung hindi para di mo kaawaan sarili mo ngayon na kung saan ka lang nakikitulog. Na wala kang pera pang kain. Lahat yan ay pinagdaanan namin. Ang difference is we didn't choose or did any bad decision in life to go through that phase in our life. But I am telling you this para makita mo how GOD has been there for us. How GOD will helped you to go through this. Binigyan ka nya ng kapitbahay na mabait na nagpapatira sa yo.