Kahapon sa mass, sabi sa homily ni Father minsan daw parang mas madali pa humingi ng forgiveness kay God kesa sa mga mahal mo sa buhay. Parang andami mo daw kailangan gawin at dadaan ka sa katakot takot na kaba bago mo masabi dun sa taong gusto mong hingan ng kapatawaran na nagsisisi ka. Kay God magpray ka lang at syempre you have to mean na hindi mo na nga talaga gagawin, yung absolution makukuha mo kaagad. Naisip ko minsan bakit nga ba ganun? Is it because mas madali magsalita pag hindi mo kaharap yung hinihingan mo ng kapatawaran? Or is it because, deep in your heart you know that God will still forgive you as He always does? Pero bakit nga rin ba ang tao minsan mahirap magpatawad? Baka kasi there's pain and heartache and insecurities and pride na pwedeng matapakan once absolution would be given as easy as that. And God doesn't have any of those worldly traits to hinder the love He could give even if we've sinned for a million times. Naisip ko sana ganun din ako kadali magpatawad sa tao. Sana kahit yun lang yung only trait na ibinigay sa tin siguro wala ng war o gutom or hinanakit. Pero kung meron naman nito posible ding may mga taong umabuso? Minsan hirap ding magwish ng mga bagay na ang nakikita mo lang is yung kung ano gusto mong makita without really knowing what it could cause or bring you.
With this, hindi ko alam kung ano natutunan ko. Sana lang bigyan ako ni God ng strength to accept the things I cannot change and accept the things that people could do to me. Minsan naman I tried to be lucid as much as I can syempre with God's guidance.
Just in time din, my colleague and his wife gave me this "My Daily Bread". Sobrang thankful ako :) Siguro sabi ni God sa dami daw ng mga librong nabasa ko na at sa kapal ng mga librong yun now's the time to read something about Him naman. :)